Maagang Pagbubuntis
Sa panahon ngayon hindi na lingid sa ating kaalaman na maraming kabataan ang maagang nabubuntis sa murang edad pa lamang. Ayon sa PHILIPPINE STATISTIC AUTHORITY (PSA), isa sa sampung mga batang babae gulang labing lima hanggang labing siyam ay isa ng ganap na ina o kasalukuyang nagbubuntis sa panganay na anak. Mahigit kumulang 5.99 porsyento ng mga kabataang Pilipino ang nabubuntis taon-taon na naging dahilan kung bakit pumangalawa ang Pilipinas sa Southeast Asia ayon sa save the Children Global Childhood Report 2019. Tinatayang humigit kumulang 538 na mga sanggol ang isinisilang ng mga batang ina araw-araw ayon sa PSA, 2017.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagdami ng mga kabataang maagang nabubuntis ay dahil sa impluwensiya ng "social media" at pag dami ng mga malalaswang palabas o programa na hindi angkop sa mga batang manonood. Nariyan din ang kakulangan ng atensyon ng mga magulang sa isyung ito at ang pagiging mapusok ng mga kabataan pagdating sa sensitibong bagay. Dahil sa mga pangyayaring ito maraming mga pangarap ang nasira, maraming Pilipino ang naghirap at dumarami din ang mga batang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil maagang nag trabaho upang may maipakain sa pamilyang maagang binuo. Ito rin ay nakaka apekto sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa pag lubo ng populasyon mas dumami ang pangangailangan ng sambayanan.
Talaga namang nakakabahala ang pag dami ng Teenage Pregnancy dito sa Pilipinas. Bilang mga responsabling Pilipino nararapat na tulungan natin ang ating mga kabataan na mailayo sa problemang ito, bigyan natin sila ng tamang edukasyon tungkol sa kahalagahan ng pagpaplano ng pamilya. Turuan natin silang bumuo ng tamang desisyon para sa kanilang magandang kinabukasan . Lahat ng bagay ay may tamang panahon kaya hindi dapat minamadali ang lahat, mas masarap sa pakiramdam ang mga bagay na pinagpaplanuhan kayat halina't kumilos tayo ! Iligtas natin ang ating mga kabataan sa napakapusok na mundo.
Nice one brad👏👍
ReplyDelete