Posts

Maagang Pagbubuntis

Sa panahon ngayon hindi na lingid sa ating kaalaman na maraming kabataan ang maagang nabubuntis sa murang edad pa lamang. Ayon sa PHILIPPINE STATISTIC AUTHORITY (PSA), isa sa sampung mga batang babae gulang labing lima hanggang labing siyam ay isa ng ganap na ina o kasalukuyang nagbubuntis sa panganay na anak. Mahigit kumulang 5.99 porsyento ng mga kabataang Pilipino ang nabubuntis taon-taon na naging dahilan kung bakit pumangalawa ang Pilipinas sa Southeast Asia ayon sa save the Children Global Childhood Report 2019. Tinatayang humigit kumulang 538 na mga sanggol ang isinisilang ng mga batang ina araw-araw ayon sa PSA, 2017. Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagdami ng mga kabataang maagang nabubuntis ay dahil sa impluwensiya ng "social media" at pag dami ng mga malalaswang palabas o programa na hindi angkop sa mga batang manonood. Nariyan din ang kakulangan ng atensyon ng mga magulang sa isyung ito at ang pagiging mapusok ng mga kabataan pagdating sa sensitibong bagay. Dahi...